Naitala sa nine-month low ang reserbang dolyar ng Pilipinas sa noong Enero.
Sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak sa $103.02 billion ang gross international reserves (GIR) ng bansa sa unang buwan ng 2025.
Mas mababa ito ng 3% kumpara sa $106.26 billion noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ang January GIR ang pinakamababang lebel mula nang maitala ang $102.65 billion noong April 2024.
Ayon sa BSP, ang pagbaba ng GIR ay repleksyon ng net foreign exchange operations ng central bank at nabawasang deposits ng national government para ibayad sa utang sa ibang bansa.