dzme1530.ph

DOLE at SSS, kinalampag para sa mga landslide victims sa Davao De Oro

Kinalampag ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Social Security System (SSS) upang bilisan ang pagbibigay ng ayuda at benepisyo sa halos isang daang indibidwal na nasawi sa landslide sa Davao de Oro.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public briefing, inihayag ni NAPC Alternate Sectoral Representative Danilo Laserna na humiling na sila sa DOLE na imbestigahan kung nagkaroon ng paglabag sa Occupational Health at Environment Policy sa harap na rin ng pagdadawit sa isang Mining company.

Bukod sa imbestigasyon, humihirit din ito ng ayuda mula sa DOLE at maging sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pamilya ng mga namatay.

Nanawagan din ito sa SSS na bilisan ang pag-proseso ng mga benepisyo para sa mga biktima.

Tiniyak ng NAPC na babantayan nila ang isyu upang matukoy kung sino ang dapat managot, lalo’t naiwasan sana umano ang insidente kung natutupad ang occupational safety, health, at environment standards.

About The Author