dzme1530.ph

Dokumentong nagde-deklarang holiday sa Lunes para sa Eid’l fitr, fake news —Palasyo

Fake news ang kumakalat na dokumentong nagde-deklarang holiday sa araw ng Lunes, Mar. 11, 2024, para sa Eid’l fitr.

Sa post ng Official Gazette of the Philippines, nilinaw na ang nasabing dokumento ay dinoktor na bersyon ng Proclamation no. 729, series of 2019, na inilabas ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea.

Makikita rin sa dokumento na si Medialdea pa ang nakapirma rito.

Ang Eid’l fitr ang pagtatapos ng buwan ng Ramadan ng mga Muslim, at inaasahang papatak ito sa Abril a-9 o 10, ngayong taon.

About The Author