dzme1530.ph

DOJ, tuloy ang paglaban kontra money laundering, terrorism financing

Loading

Nakamit ng Department of Justice (DOJ), sa pamamagitan ng Financial Investigation and Litigation Enhancement and Prosecution Support Center (FILEPSC), ang mahahalagang tagumpay sa pagtukoy, pagsisiyasat, at pagsasakdal ng money laundering (ML) at terrorism financing (TF).

Mula 2020 hanggang 2024, naitala ang kabuuang 5,557 kaso ng terrorism financing. Nagsagawa ang DOJ ng 1,816 imbestigasyon at nakatanggap ng 1,031 ulat kaugnay ng TF.

Dahil dito, 71 indibidwal ang naaresto, at 237 kaso ang naisampa. Anim na akusado ang nahatulan sa kabuuang 114 kaso ng TF.

Samantala, 794 indibidwal ang inakusahan ng money laundering (ML) mula 2021 hanggang 2024.

Naisampa ang 264 kaso, kung saan 185 ang isinakdal noong 2024. Sa parehong panahon, 13,799 imbestigasyon sa ML ang isinagawa, kabilang ang 5,821 noong 2024.

Patuloy ang DOJ sa paglaban sa mga krimeng pinansyal at tinitiyak na ang mga may sala sa ML at TF ay mapapanagot sa batas. Ang FILEPSC ay magpapalakas para sa batas at pagpapatupad nito.

About The Author