dzme1530.ph

DOJ, tiniyak ang pagbalangkas ng EO na magkakaloob ng amnestiya sa mga rebelde

Tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang pakikipagtulungan sa Department of National Defense (DND) at Amnesty Commission upang maresolba ang suliranin patungkol sa armadong pakikibaka na nagaganap sa bansa.

Sa kanyang SONA, hiningi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kasanayan at gabay ng DOJ sa pagbalangkas ng executive order na magkakaloob ng amnesty sa mga rebel returnee.

Ayon kay Remulla, pursigido ang kagawaran na makipagtulungan sa mga kapartner na ahensiya upang makabuo ng isang komprehensibo at epektibong amnesty program na aakma sa pangangailangan at hinaing ng mga rebelde.

Layon aniya nila na makapagtatag ng isang amnesty framework na nagsusulong ng pangmatagalang kapayapaan, pagkakasundo at pagbabalik sa lipunan ng mga dating rebelde. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author