dzme1530.ph

DOJ, tanging source ng update sa nawawalang sabungeros —Remulla

Loading

Tanging Department of Justice lamang ang awtorisadong magbigay ng update sa nawawalang sabungeros sa Taal Lake, ayon kay Justice Secretary Boying Remulla.

Paliwanag niya, kailangang may “iisang boses” upang maiwasan ang kalituhan sa publiko.

Giit ni Remulla, komplikado ang operasyon sa lawak ng lawa.

Ayon pa sa DOJ official, hindi maasahan ang madalas na pag-uulat dahil masusing siyentipikong pagsusuri, kabilang ang DNA testing, ang kinakailangan sa pagtukoy sa mga labi.

Dagdag pa ng kalihim, dadaan pa sa forensic examination ang mga natagpuang labi ng tao at hayop sa lugar.

About The Author