Tumanggi si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sagutin ang mga alegasyon at pahayag ni Negros Oriental Third District Representantive Arnolfo Teves Jr. patungkol sa pagtawag sa kanya na terorista at pagpigil ng pamahalaan sa mga yaman at ari-arian ng kongresista.
Ayon sa kalihim, hindi na niya papatulan ang anumang sasabihin ng kongresista at hindi siya pagagamit o magiging instrumento ni Teves.
Hamon ni Remulla kay Teves na magpakalalaki at harapin ang kanyang mga kaso.
Patungkol naman sa reaksiyon ng DOJ panel of prosecutors sa murder charges laban kay Teves, sínabi ni Remulla na umuusad ang kaso kasabay nang paghikayat sa publiko na hintayin ang desisyon ng panel.
Kailangan lamang aniya na maging matiyaga sa trabahong ito at iginiit na hindi nila minamadali ang proseso at lalong walang iniimpluwensiyahan. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News