![]()
Pinalalakas pa ng Department of Justice ang kanilang hakbangin upang labanan ang human trafficking at online sexual abuse and exploitation of children o OSAEC.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga reporma sa batas at mas mahigpit na inter-agency coordination.
Kaugnay nito ay nakipagpulong si Justice Secretary Frederick Vida kay Senador Loren Legarda para sa pagpapalakas ng Republic Act 9208 sa gitna ng dumaraming cross-border at tech-driven trafficking schemes.
Isinusulong ng DOJ ang reporma sa mga batas upang mas mapalakas ang border monitoring kasama na ang vessel registration at maritime surveillance.
Layun din nitong maresolba ang mga legal gaps at matiyak ang proteksyon sa mga babae at kabataan.
