dzme1530.ph

DOJ pinaiimbestigahan ang ‘e-mail bomb threat’ sa mga gov’t offices

Iniutos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa ‘bomb threat’ na natanggap ng ilang ahensya ng pamahalaan at mga Local Government Unit na ipinadala sa pamamagitan ng Electronic email.

Sa inilabas na pahayag ng DOJ, ang bomb threat ay ipinadala  ni Takahiro Karasawa na nagpakilalang isang Japanese lawyer at eksperto sa paggawa ng pampasabog mula ‘Steadiness Law Office’.

Nakasaaad sa naturang email na mangyayari ang pagsabog sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong araw Pebrero a-dose pagsapit ng 3:34 pm.

Nagbigay-babala naman si Remulla na pananagutin sa batas ang gumagawa ng ganitong biro para makapanakot ng Publiko.

“There should be no place for pranks or spreading fear among our people,”

“Let this be a warning to those behind this that we will not tolerate such acts and we will go after you with the full extent of the law” saad ni Remulla.

Samantala, naiulat ng Quezon City Police District (QCPD) na nakatanggap din ng bomb threat ang tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources-Central Office (DENR-Central Office) sa Quezon City na kalaunan ay idineklarang ‘false alarm’ dahil walang natagpuang pampasabog o hazardous materials sa lugar matapos ang ginawang inspeksyon ng mga otoridad.

About The Author