Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang paghahanap sa sinumang nasa likod ng pekeng memorandum na nagpapalipat sa ilang persons deprived of liberty (PDL) mula Sablayan Detention Facility sa Occidental Mindoro pabalik ng New Bilibid Prison (NBP).
Magugunita sa ginanap na press briefing, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang nadiskubreng dokumento ay may pekeng pirma ng kalihim at memorandum circular number, matapos na ipinakita ni Director General Catapang at ipa-validate kung totoo nga ba o peke ang isang dokumento.
Kabilang sa mga ipinababalik sa NBP ang mga miyembro ng tinaguriang “Bilibid 19”.
Para kay Remulla, nais bumalik ng ilang PDL sa New Bilibid Prison dahil nagagawa nila ang mga gusto sa dating kulungan.
Giit pa nito na maaring mga empleyado rin umano ng DOJ at BuCor ang nasa likod ng pamemeke ng dokumento.
Inatasan na rin ni Remulla si Catapang na i-validate muna ang lahat ng mga natatangap na sulat o memo kung may kaduda-duda sa mga ito. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News