dzme1530.ph

DOJ, nilinaw na wala pang freeze order sa mga politikong sangkot sa anomalya sa flood control projects

Loading

Nilinaw ng Department of Justice na wala pang politikong nauugnay sa flood control projects anomalies ang na-freeze ang kanilang mga assets.

Sa pagtalakay sa panukalang 2026 budget ng DOJ, sinabi ni Usec. Jesse Hermogenes Andres na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa mga sangkot sa anomalya, kabilang ang ilang senador at kongresista.

Humiling na rin umano sila ng freeze order sa Anti-Money Laundering Council para sa mga assets ng mga sangkot sa anomalya, at sa ngayon ay anim na kautusan na ang nailabas.

Subalit nilinaw niya na pawang mga government officials lamang ang naisyuhan ng freeze order at wala pang mga politiko.

Kaya naman iginiit ni Senador Rodante Marcoleta na tila pawang sapsap at butete lamang ang nakokorner sa imbestigasyon at hindi pa rin natutunton ang mga mastermind.

About The Author