dzme1530.ph

DOJ, nilagdaan na ang unang batch ng immigration lookout bulletin order laban sa contractors at opisyal ng DPWH

Loading

Pirmado na ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang unang batch ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa mga contractor at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot umano sa mga anomalya sa flood control projects.

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, ang inisyal na listahan ay naglalaman ng mga pangalang mula sa request ni Senador Rodante Marcoleta, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Dagdag pa ni Clavano, maaaring lagdaan ngayong Huwebes ang susunod na batch, matapos matanggap kahapon ang request ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Ilalabas din aniya ngayong araw ang kumpletong listahan ng mga pangalan.

Kabilang sa higit dalawampung personalidad na nais ipasailalim sa ILBO ni Dizon ay sina mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, at Wawao Builders General Manager Mark Allan Arevalo.

About The Author