dzme1530.ph

DOJ: Kredibilidad ni Patidongan o alyas Totoy, lalong tumibay sa bagong ebidensya

Loading

Binigyang-diin ni DOJ Usec. Raul Vasquez na mas tumibay ang kredibilidad ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan matapos marekober ng mga awtoridad ang ilang sako sa ilalim ng Taal Lake.

Ayon kay Vasquez, kung mapatutunayang konektado ang mga ebidensya sa kaso ng missing sabungeros, lalabas na suportado ng aktwal na pruweba ang mga pahayag ni Patidongan.

Dagdag pa ng opisyal, maaari itong magdulot ng mas malinaw at matibay na paglilitis sa kaso.

Una nang sinabi ni Patidongan na hindi pa niya naisusumite ang kanyang affidavit sa DOJ dahil kulang pa ito sa detalye.

About The Author