dzme1530.ph

DOJ, kinumpirma ang pagkakadiskubre ng tila mga buto ng tao na nakasilid sa sako malapit sa lawa

Loading

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakadiskubre ng tila sinunog na mga buto ng tao sa loob ng isang sako malapit sa Taal Lake, kung saan itinapon umano ang mga katawan ng mga nawawalang sabungero.

Sa statement mula sa DOJ, narekober ng team mula sa PNP Criminal Investigation Group, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang kulay puting sako na naglalaman ng tila mga buto ng tao.

Natagpuan ang sako habang nagsasagawa ang mga awtoridad ng preliminary inspection sa lugar.

Nakasaad din sa statement na ang pagkakadiskubre sa mga buto ay maituturing na potential breakthrough sa isinasagawang imbestigasyon sa mga nawawalang indibidwal.

About The Author