dzme1530.ph

DOJ, kinumpirma ang pag-alis ni dating DPWH Sec. Manuel Bonoan patungong Amerika

Loading

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na umalis ng bansa si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan patungong Amerika.

Si Bonoan ay kabilang sa mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inuugnay sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, sinamahan ni Bonoan ang misis nito na sasailalim sa medical procedure.

Idinagdag ng ahensya na wala namang legal prohibition sa constitutional right to travel ng dating kalihim.

Sinabi ni Martinez na ang biyahe ni Bonoan ay hanggang Dec. 17, 2025.

Kinumpirma rin ng Bureau of Immigration na pinayagang lumabas ng bansa ang dating DPWH chief dahil wala naman itong nakabinbing warrant of arrest.

About The Author