dzme1530.ph

DOJ, kampanteng matitiyak ng BuCor ang kaligtasan ni Mary Jane Veloso

Kampante ang Dep’t of Justice na matitiyak ng Bureau of Corrections ang kaligtasan at seguridad ng pauuwiing si Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa Indonesia dahil sa drug trafficking.

Ito ay sa harap ng planong paglalagay kay Veloso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City sa oras na dumating ito sa bansa.

Ayon kay Justice Usec. Raul Vasquez, nakamasid sa isyu hindi lamang ang Pilipinas kundi pati ang international community lalo na ang Indonesia.

Kaugnay dito, dapat umanong masiguro ng BuCor na hindi magagalusan si Veloso habang nakakulong.

Sa ngayon umano ay wala silang nababalitaang nasasaktan o napapatay na bilanggo sa mga pasilidad ng BuCor. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author