dzme1530.ph

DOJ, ibinasura ang isinampang kaso ni FPRRD laban kina dating DILG Sec. Abalos at PNP Chief Marbil kaugnay ng pag-aresto kay Quiboloy

Loading

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang malicious mischief at domicile complaints na inihain ni dating Pangulo at KOJC Property Administrator Rodrigo Duterte laban kay dating Interior Sec. Benhur Abalos at sa iba pang mga opisyal.

Sa 14-pahinang resolusyon, dinismis ng DOJ ang dalawang counts ng malicious mischief na isinampa laban kina Abalos, PNP Chief Police General Rommel Marbil, at iba pang mga opisyal dahil sa pagkasira ng gate ng Kingdom of Jesus Christ Compound nang isilbi ang warrant of arrest laban kay KOJC Founder Apollo Quiboloy noong Aug. 2024.

Sinabi ng ahensya na binigyan ng malisya ng complainants ang pagsalakay dahil sa lawak at nature ng operasyon, na legally insufficient.

Bukod dito ay ibinasura rin ng DOJ ang reklamong violation of domicile laban kina Abalos, Marbil, at iba pang mga pulis.

Inakusahan ni Duterte ang Police officers na pwersahang pinasok ang compound at residential quarters nang walang search warrant, na paglabag sa kanilang domicile right.

About The Author