dzme1530.ph

DOJ, hinimok ang Timor-Leste na i-deport si expelled Cong. Teves kasunod ng tangkang panunuhol

Hinimok ng Department of Justice (DOJ) ang Timor-Leste authorities na agad i-deport o i-extradite si expelled Cong. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. makaraang suhulan umano ng anak nito ang isang East Timor Police.

Ayon sa DOJ, inalok ng anak ni Teves ang isang miyembro ng criminal investigation police ng suhol na nagkakahalaga ng $2,000 o P114,000, kapalit ng special treatment, gaya ng “security” sa loob at labas ng Becora Prison kung saan nakakulong ang dating kinatawan ng Negros Oriental.

Inihayag ng ahensya na si Teves ay kasalukuyang nasa pre-trial detention.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa dating kongresista na umuwi na at harapin ang mga kaso nito sa Pilipinas, at tigilan na ang pakikipagtaguan sa batas, dahil wala namang nakaliligtas sa pananagutan ng habang buhay.

About The Author