dzme1530.ph

DOJ, HINIMOK ANG MGA EMPLEYADO NA TUMULONG SA PAGTITIPID SA ENERHIYA

Loading

Hinimok ng liderato ng Department of Justice ang kanilang mga empleyado at pamilya na tumulong sa pagtitipid ng enerhiya at produktong petrolyo sa kanilang mga tahanan sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa Middle East.

 

Sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na sa panahon ng krisis, walang aksyon ang maituturing na maliit kung ang layunin ay para sa pagbabago.

 

Ginawa ni Vida ang panawagan kasabay ng pagpapatupad ng four-day onsite workweek bilang bahagi ng energy conservation ng gobyerno.

 

Ang mga empleyado ng DOJ ay magrereport onsite mula Lunes hanggang Huwebes, habang work from home sila tuwing Biyernes.

 

Sa pamamagitan nito, tinatayang nasa 20,142 kilowatt-hours ng enerhiya ang matitipid ng DOJ kada buwan.

About The Author