Inatras ng Department of Justice (DOJ) ang 98 counts ng reckless imprudence resulting in homicide laban kay dating Health Secretary Janette Garin kaugnay ng kontrobersyal na dengvaxia vaccine.
Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, inatasan ang Prosecutor General na bawiin ang asunto sa Quezon City Regional Trial Court laban kay Garin, pati na sa kapwa nito respondents na sina Dr. Gerardo Bayugo at Dr. Ma. Joyce Ducusin.
Nakasaad sa resolusyon ng DOJ, na batay sa step by step procedures ng mga respondent-appellant sa pagpapatupad ng programa, ay walang nakitang kakulangan para papanagutin ang mga ito sa kaso kaugnay ng umano’y pagkamatay ng ilang mag-aaral matapos maturukan ng dengvaxia.
Idinagdag ng DOJ na hindi maaring papanagutin ang mga respondent sa pagsasabwatan sa isa’t isa dahil wala naman silang masamang intensyon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera