dzme1530.ph

DOJ AT PNP, NAGPULONG PARA TIYAKIN ANG SEGURIDAD SA MGA RALLY SA 40TH ANNIVERSARY NG EDSA

Loading

Nagpulong ang Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang peace and order sa mga rally na isasagawa sa 40th Anniversary ng EDSA People Power Revolution, bukas Feb. 25.

 

Sinabi ni DOJ Spokesperson Polo Martinez, na tinalakay sa meeting kung saan ipo-posisyon ang mga pulis at babantayang mga lugar.

  

Aniya, naka-standby ang DOJ sa pamamagitan ng kanilang prosecutors upang mag-assist sa law enforcement para sa pagsasagawa ng inquest, kung kinakailangan.

 

Idinagdag ni Martinez na ginagawa ang innquest proceedings upang matukoy ang validity ng warrantless arrests.

 

Iba’t-ibang grupo ang nag-anunsyo ng kanilang plano na magsagawa ng ikatlong bugso ng Trillion Peso March bukas upang i-protesta ang korapsyon sa pamahalaan at political dynasties.

About The Author