dzme1530.ph

DOH: Walang pagtaas ng COVID-19 sa bansa

Tiniyak ng Department of Health na wala pang naitatalang pagsipa sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay sa kabila ng lumolobong kaso ng COVID-19 sa Singapore dahil sa bagong Variety ng Omicron.

Sa Press Briefing sa Palasyo, inihayag ni DOH Secretary Ted Herbosa na Mild lamang ang bagong Omicron Variety, at wala pang namamatay dahil dito.

Kampante rin si Herbosa dahil karamihan sa mga Pilipino ay bakunado na laban sa Virus, at na-konsumo na rin ang lahat ng 390,000 na Bivalent Vaccines.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author