Umasa ang Department of Health (DOH) na makatatanggap ito ng additional funds mula sa realignment ng ₱255 bilyon na unang inilaan para sa flood control projects.
Ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, malayo ang mararating ng pondo kung ilalaan sa social services tulad ng kalusugan at edukasyon.
Aniya, kung madaragdagan ang budget ng ahensya, posibleng maisakatuparan ang zero balance billing hindi lamang sa DOH hospitals kundi maging sa iba pang pasilidad.
Matatandaang noong nakaraang linggo, ipinrisinta ni DPWH Secretary Vince Dizon sa Kongreso ang ₱625.8 bilyong budget proposal ng ahensya para sa 2026, pinakamababa mula pa noong 2020.
Ito’y matapos alisin ang ₱255 bilyong halaga ng flood control projects mula sa initial budget request na ₱881.3 bilyon.