Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na above board ang sub-allotment ng P809 milyong halaga ng Cancer Assistance Fund sa 20 ospital sa bansa.
Ginawa ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire ang pahayag bilang tugon sa reklamong grave misconduct, malversation at graft na isinampa laban sa anim na health officials sa Ombudsman.
Inamin ni Vergeire na nagulat siya sa reklamo dahil batid niyang lahat ay transparent.
Sinabi rin ni Vergeire na ang desisyon na ilipat ang pondo sa 20 ospital ay inaprubahan ng National Integrated Cancer Control Council na Highest policy-making body para sa Cancer Control sa bansa.
Aniya, ang pondo na sub-allotted sa mga specialty center, gaya ng Jose Reyes Medical Center, East Avenue Medical Center, at Philippine Children’s Medical Center na batay sa sariling request ng mga ospital.
Una nang inihayag ng complainant na si Dr. Clarito Cairo Jr. na ang sub-allotment sa specialty center and supportive-Palliative Medicines Access Program o CSPMAP Funds sa mga piling lugar ay nakasasama sa pamahalaan at kasiraan ng serbisyo sa maraming pasyente.