dzme1530.ph

DOH, TINIYAK NA HANDA ANG PILIPINAS SA NIPAH VIRUS

Loading

Hindi bago para sa Pilipinas ang Nipah Virus (NiV), at handa rito ang bansa, pati na sa iba pang mga sakit, ayon sa Department of Health.

 

Sinabi ni DOH Spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, na may naitala ng Nipah Virus sa Sultan Kudarat noon pang 2014, kung saan 17 cases ang naiulat.

 

Aniya, kabilang sa mga sintomas nito ay flu, subalit ang iba ay nagkakaroon ng pamamaga ng utak, gaya ng encephalitis at meningitis.

 

Inihayag ni Domingo na nakukuha ito sa pagkain ng karne ng kabayo at nagkaroon ng contact sa taong may sakit.

 

Idinagdag ng Health Official na hindi na muli nakita sa bansa ang NiV pagkatapos ng 2014, bagaman patuloy ang monitoring ng doh sa pamamagitan ng kanilang Epidemiology Bureau.

 

Sa kasalukuyan ay mayroong limang confirmed cases ng NiVsa West Bengal Sa India, kung saan 100 closed contacts ang binabantayan at inaalagaan.

About The Author