dzme1530.ph

DOH pinahusay ang mental health services sa NCMH sa pamamagitan ng bagong pasilidad

Loading

Pinangunahan ni Health Secretary Ted Herbosa ang paglulunsad ng mga high-tech na serbisyo para sa mental health sa DOH–National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong.

Kabilang dito ang bagong Magnetic Resonance Imaging (MRI) machine at Forensic Psychiatry Building na makapagsisilbi sa mahigit 200 pasyente.

Ayon sa DOH, bahagi ito ng pagpapatibay sa Universal Health Care at tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na palakasin ang mental health services at pasilidad sa bansa.

 

About The Author