dzme1530.ph

DOH, 36 na biktima ng paputok naitala

Umakyat na sa tatlumpu’t anim ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng apat na panibagong fireworks-related injuries, dalawang araw bago ang Bagong Taon 2023.

Ayon sa DOH, ang 36 fireworks-related injuries mula December 21 hanggang December 29 ay mas mataas ng 44% mula sa naitalang 25 na kaso sa kaparehong panahon noong 2021.

Tinukoy naman ni DOH-OIC Maria Rosario Vergeire ang Boga bilang pangunahing sanhi ng fireworks-related injuries, sumunod ang Whistle Bomb, 5-star, Kwitis, at Kamara Firecracker.

Naka-White Alert na ang mga ospital sa bansa sa inaasahang pagdagsa ng mas marami pang biktima ng paputok habang papalapit ang bagong taon.

Samantala, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na huwag maghiraman ng torotot upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit tulad ng COVID-19.

About The Author