Pinayuhan ng Department of Health ang publiko na maging maingat sa pakikipagtalik at magpasuri para sa Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ito’y makaraang makapagtala ang DOH ng 86 na mga bagong kaso ng HIV sa mga adolescents o 10 hanggang 19-taong gulang at mga bata noong Enero.
Ipinaalala ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, na walang pinipiling edad ang HIV kaya kailangan ang ibayong pag-iingat, malaman kung saan ito nanggaling at paano mapo-proteksyunan ang sarili laban sa naturang sakit.
Ipinaliwanag ni Vergeire na ang pinaka-karaniwang sanhi ng HIV sa buong mundo ay unprotected sex kaya naman hinikayat nito ang publiko na gumamit ng condoms, o alamin ang sexual history ng partner.
Nagbabala rin ang Health official sa pag-share ng karayom, lalo na kapag gumagamit ng droga.
Sakali man na nagkaroon ng kapabayaan, libre aniya ang gamutan at mga test para sa HIV.