Nakapagtala ng 1,382 na bagong kaso ng COVID-19 Omicron subvariant ang Pilipinas.
Ito ay batay sa resulta ng latest genome sequencing ng Department of Health sa Baguio General Hospital Medical Center at University of the Philippines – Philippine Genome Center Visayas mula June 26 hanggang 29.
Lumabas na 1,251 sa bagong kaso ay XBB; 46 ang BA 2.3.20; 35 ang kaso ng BA.5; 6 ang XBC; 3 ang BA.2.75; isang kaso ng BA.4; at may 40 iba pang Omicron sublineages.
Mula July 7 papalo na sa 4,167,259 ang COVID-19 total cases sa bansa matapos madagdagan ng 397 na kaso, 6,637 ang active cases, habang nasa 66,484 na ang nasawi mula magsimula ang pandemya sa bansa taong 2020. —sa panulat ni Joana Luna