Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,624 na mga tinamaan ng acute respiratory infections mula sa evacuees ng nag-aalburotong Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa pahayag ni Health Undersecretary Enrique Tayag, ang mga nasabing kaso ay naitala lamang nitong June 12 hanggang July 16.
Sa ulat ng DOH, ang mga tinamaang evacuees ay nakararanas ng sipon, ubo, at pananakit ng lalamunan.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng kagawaran na tututukan nila ang kaso upang hindi na lumaganap o wala nang mangyaring hawaan na posibleng maging resulta ng isang outbreak. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News