dzme1530.ph

DOH, nakapagtala ng 80 kaso ng Omicron subvariant

Loading

Pumalo na sa 80 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng Omicron subvariant ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa 82 sample na sinuri sa University of the Philippines-Philippine Genome Center, 54 dito ang nagpositibo sa XBB cases.

Kabilang ang siyam na XBB.1.5; 22 na XBB.1.16; walong Xbb.1.9.1; apat na XBB.1.9.2; limang XBB.2.3; at anim na iba pang XBB lineages.

Bukod dito, 25 ang naitalang kaso ng BA.2.3.20 at isang kaso sa ilalim ng iba pang Omicron subvariants.

Matatandaang neto lamang lunes nang ianunsyo ng health department ang kauna-unahang kaso ng FE.1 sublineage ng Omicron variant sa bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author