dzme1530.ph

DOH nagbabala sa patuloy na pagtaas ng HIV cases sa Pilipinas

Loading

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng HIV sa bansa, taliwas sa pandaigdigang trend kung saan bumababa na ang HIV at AIDS cases sa buong mundo at sa Asia-Pacific region.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demography, inilahad ni Noel Palaypayan ng Epidemiology Bureau ng DOH na patuloy ang local concentrated epidemic ng HIV sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, nasa 252,800 na ang tinatayang bilang ng mga taong may HIV sa bansa, na posibleng umabot sa 457,600 pagdating ng 2030 kung hindi mapipigilan.

Sinabi ni Palaypayan na 58% ng kabuuang kaso ay nagmumula sa Greater Metro Manila, kung saan pinakamarami ay mula sa Quezon City, sinundan ng Manila, Cebu City, at Davao City.

Ayon pa kay Palaypayan, 90% ng bagong HIV infections ay mula sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.

Iginiit naman ni Senadora Risa Hontiveros na malinaw ang pangangailangang palawakin at pagbutihin ng gobyerno ang mga hakbang upang maagapan ang pagtaas ng kaso, lalo na sa hanay ng kabataan.

About The Author