Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag magpapaloko sa mga indibiwal o grupo na nag-aalok ng gamot sa diabetes sa pamamagitan ng online.
Kasabay nito ay ang pagtanggi ng ahensya sa post sa social media kung saan ginamit ang pangalan ni Health Secretary Ted Herbosa at ang University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) para kumbisihin ang mga tao na bumili ng gamot, online.
Nagbabala rin ang DOH na sasampahan ng criminal charges ang mga indibidwal na nasa likod ng scam.
Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, ang diabetes ang ika-apat na killer disease noong 2020 na nakapagtala ng 37,265 deaths.
Ayon naman sa Department of Science and Technology-Food Nutrition Research Institute, tumaas ang diabetes cases sa Pilipinas sa 8.2% noong 2019 mula sa 5.6% noong 2013. —sa panulat ni Lea Soriano