dzme1530.ph

DOH-MMCHD, pinangunahan ang dengue awareness month bago ang pagbubukas ng school year

Loading

Pinangunahan ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang kampanya para sa Dengue Awareness Month sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City.

Sa pagtutulungan ng Department of Education, Department of the Interior and Local Government, at City Government, layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga paaralan na magsagawa ng mga hakbang para maiwasan ang paglaganap ng dengue sa gitna ng tag-ulan at bago magbukas ang klase.

Sa naturang event, sinabi ni DOH Regional Director Lester Tan na maaaring mapababa ang panganib ng dengue sa pamamagitan ng simpleng pagsasagawa ng “Taob, Taktak, at Takip.”

Ibig sabihin nito ay itaob ang mga lagayan ng tubig, itaktak ang mga ito para matuyo, at takpan, upang hindi pangitlugan ng mga lamok na may dalang dengue.

About The Author