MAKIKIPAGTULUNGAN ang Department of Health sa Department of Education sa pagbuo ng mga programa na maglalayong protektahan ang kabataan laban sa HIV.
Sa panayam kay Health Secretary Ted Herbosa sa Senado, sinabi niyang nakakabahala na marami sa mga tinatamaan ng HIV ay kabataan at mga school-aged.
Una nang sinabi ni Herbosa na mas nakakaalarma pa sa mga kaso ng MPOX ang 500% na pagtaas ng sexually transmitted disease makaraang makapagtala sila ng 40 hanggang 57 na kaso ng sakit kada araw.
Pinakabata anya nilang naitala ay 12-anyos na taga-Palawan.
Kinumpirma rin ni Herbosa na 30 porsyento ng mga pasyenteng tinamaan ng MPOX ay nagpositibo rin sa HIV na halos pareho ang transmission sa pamamagitan ng sexual contact.