Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi na kailangang magsumite ng anumang dokumento ang mga pasyente sa DOH hospitals para maka-avail ng ‘zero balance billing.’
Ayon sa PhilHealth, ito ay alinsunod sa Universal Health Care Law kung saan lahat ng Pilipino ay itinuturing nang miyembro, anuman ang kanilang kontribusyon.
Sinabi rin ng ahensya na patuloy nilang isusulong ang mga probisyon ng UHC para matiyak ang pantay na access ng lahat sa serbisyong pangkalusugan.