dzme1530.ph

DOH, kapos pa ang budget para sa emergency allowance ng healthcare workers

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na kulang pa ang pondo kaya’t naantala ang pagbibigay ng health emergency allowance sa mga healthcare workers.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng ahensya, ipinaliwanag na nasa P113-B ang kinakailangang pondo upang maibigay sa lahat ang kinakailangang benepisyo mula 2021 hanggang 2023.

Subalit ang nai-relese anila ng Department of Budget and Management ay nasa P46.8-B lamang o wala pa sa kalahati ng kailangan nilang pondo.

Sa pamamagitan ng naturang pondo, nasa 6.5-M healthcare workers na ang kanilang nabigyan ng benepisyo.

Umaasa naman ang mga senador sa pangunguna ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na magawan na ng paraan ang kapos na pondo upang mabayaran ang lahat ng mga frontliners na nagsakripisyo noong panahon ng pandemya.

Sa ilalim naman ng 2024 proposed budget ng ahensya, may P19.9-B na inilaan ang DOH para sa karagdagang pambayad sa mga health workers. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author