dzme1530.ph

DOH, ikinu-konsiderang magdeklara ng dengue outbreak sa gitna ng lumolobong kaso sa bansa

Ikinu-konsidera ng Department of Health (DOH) na magdeklara ng dengue outbreak dahil maaring umabot na sa “outbreak levels” ang kasalukuyang bilang ng mga kaso sa bansa.

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na maaring ideklara niya ang dengue outbreak sa hiwalay na press conference.

Idinagdag DOH chief na batay sa kanyang pakikipag-usap sa Epidemiology Bureau director ay pang-outbreak levels na ang dengue cases sa Pilipinas, bagaman hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye.

Sa latest data ng DOH, umabot na sa 136,161 ang dengue cases simula Jan. 1 hanggang Aug. 3, na 33% na mas mataas kumpara sa 102,374 na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Mas mababa naman ang dengue-related deaths ngayon na nasa 364 kumpara sa 401 noong nakalipas na taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author