dzme1530.ph

DOH, hinimok na seryosohin ang pagpuksa sa leptospirosis at iba pang sakit na aktibo ngayon sa bansa

Hinimok ni Former Health Secretary at ngayon ay House Deputy Majority Leader Janet Garin ang Dep’t of Health na seryosohin ang pagpuksa sa leptospirosis at iba pang naglilitawang sakit.

Sa harap ito ng pagdami ng leptospirosis patients sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) kung saan ginamit nang ward ang gymnasium, at San Lazaro Hospital.

Pinuna ni Garin ang kabiguan ng DOH na mai-deliver sa ground ang doxycycline, ang anti-biotic na ginagamit para maiwasan ang leptopirosis, gayung may budget naman para dito.

Sa kasagsagan pa lang ng mga pagbaha dahil sa bagyong Carina, nagpaalala na ang Iloilo legislator sa DOH na mamahagi na agad ng gamot para maiwasan ang leptospirosis.

Paliwanag pa ni Garin na isa ring doktor, ang lahat ng lumusong sa baha, may sugat man o wala ay kailangang makainum ng doxycycline 72-hours matapos itong ma-exposed sa baha.

Sa datos ng Health Department 67 cases lamang ang kaso ng leptospirosis, at mula July 14 to 27, umakyat ito sa 1,444, habang 162 ang naiulat na namatay.

About The Author