dzme1530.ph

DOH, dumipensa sa umano’y P7.43-B halaga ng nasayang na gamot

Binigyang linaw ng Department of Health (DOH) ang isyu sa umano’y P7.43-B na halaga ng gamot at iba pang kagamitan na nag-expire lang o nasayang noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH, 0.03% lamang sa kabuuang bilang ng mga gamot ang expired at 1.16% naman ang near-expiry.

Mas pinagtutuunan kasi anila ng pansin ang proper disposal ng mga napanis na gamot sa halip na ang mismong expiration nito, dahil ang mga ospital at pasilidad na ang makapagbibigay ng katwiran kaugnay sa kung bakit at paano nasayang ang naturang mga gamot.

Inamin din ng DOH na karamihan sa mga expired medicine ay mula pa noong COVID-19 pandemic kung saan kakaunti lang ang pasyenteng pumupunta sa mga ospital para magpagamot.

Paliwanag ng kagawaran, sa 95.81% na tinukoy bilang non-expired inventory o mga items na slow-moving, undistributed o overstocked, 86% dito ang naipamahagi na sa Centrally Managed Health Facilities at iba pang pasilidad ng kalusugan.

Habang ang natitirang 14% naman na naka-kategorya bilang slow-moving o overstocked, ay nakatakda nang ihatid sa iba’t ibang medical facilities sa third or fourth quarter ng 2023. –sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author