dzme1530.ph

DOH, ‘di dapat magpadalos-dalos sa isyu ng kakapusan ng nurses sa bansa

Hindi pabor si Senate Committee on Labor chairman Jinggoy Estrada sa ipinapanukala ni Health Secretary Ted Herbosa na bigyan ng temporary license ang mga nursing graduate na nakakuha ng 70% hanggang 74% sa board exam.

Kasabay nito, hinimok ni Estrada si Herbosa na huwag magpadalos-dalos sa isyu dahil buhay ng tao ang nakataya rito.

Binigyang-diin ng senador na mas dapat ay ipaubaya sa mga propesyunal ang pangangalaga sa buhay ng mga pasyente.

Iginiit pa ni Estrada na dapat unahing bigyan ng trabaho ang may 18,000 na bagong pasang mga nurse na nananatili pa rin sa Pilipinas.

Kinumpirma naman ni Estrada na plano niyang maghain ng panukala para bigyan ng scholarship ng pamahalaan ang mga nagnanais na kumuha ng kursong nursing sa bawat rehiyon.

Kapalit nito ay oobligahin silang magtrabaho sa government hospital sa sandaling makapagtapos sila ng pag-aaral. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author