Dapat ding kalampagin ang Department of Health (DOH) sa pagdami ng mga namatay dahil sa leptospirosis bunsod ng mga nagdaang pagbaha.
Ayon kay House Deputy Speaker Janette Garin, hindi lang ang kapalpakan sa flood control projects ang dapat silipin kung bakit may mga namamatay dahil sa impeksiyon mula sa ihi ng daga.
Sinisi rin ni Garin ang mga opisyal ng DOH sa kawalan ng sapat na paghahanda.
Giit ng dating health secretary, bago pa man dumating ang mga pagbaha ay dapat may nakaimbak nang doxycycline ang mga LGU at evacuation centers bilang paghahanda sa pagdami ng pasyente.
Dagdag pa ng kongresista, madali umano itong maiiwasan basta maagap ang pagbibigay ng gamot sa mga apektadong residente.