dzme1530.ph

DOH chief, nagbabala laban sa community transmission ng mpox

Nagbabala si Health Sec. Ted Herbosa laban sa community transmission ng mpox matapos ma-detect sa bansa ang unang kaso nito mula nang ideklara ng World Health Organization (WHO) ang public health emergency dahil sa nakahahawang sakit.

Ang naitalang kaso ng mpox ay isang 33-anyos na lalaki mula sa Metro Manila na walang history ng travel abroad.

Ibig sabihin nito, ayon kay Herbosa ay narito sa Pilipinas ang virus, kaya babala ito sa lahat.

Aniya, mayroon ng siyam na kaso ng mpox noong 2023 subalit pakonti-konti lang ang kanilang nasusuri.

Sinabi ng DOH na ang pasyente ay nagkaroon ng lagnat at rashes sa mukha, likod, batok, katawan, singit, palad, at talampakan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author