dzme1530.ph

DOH chief, kumambyo at sinabing wala palang sakit ang Pangulo

Kumambyo si Dep’t of Health Sec. Ted Herbosa at sinabing wala palang sakit si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ayon kay Herbosa, nakasama niya buong araw ang Pangulo kahapon at nagsuot lamang ito ng face mask matapos ang dalawang meeting, nang makipag-usap ito sa isang kalihim.

Sa mga sumunod na meeting umano ay wala nang suot na face mask ang Pangulo at nagbigay pa ito ng speech.

Kaugnay dito, sa kanya umanong pananaw bilang doktor ay walang sakit ang Pangulo at nagawa niya ng maayos ang kanyang trabaho kahapon.

Iginiit ng DOH chief na hindi dapat kaagad ipagpalagay na may karamdaman ang isang taong nakasuot ng face mask.

Mababatid na sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Herbosa na “under the weather” ang Pangulo at maaaring may nakapagpasa o nakahawa sa kanya ng sakit dahil sa dami nang bumati sa kanya noong kanyang kaarawan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author