dzme1530.ph

DOH at USAID, magpupulong kaugnay sa pagkalat ng TB sa Asia-Pacific region

Magtutulungan ang Department of Health (DOH) at United States Agency for International Development (USAID) upang talakayin ang pagkalat ng Tuberculosis sa Asia-Pacific region.

Kaugnay nito, magsasagawa ng pagpupulong ang dalawang ahensya bukas, March 14 hanggang March 15, 2024 sa Pasay City.

Kasama rito sina DOH Sec. Teodoro Herbosa, kinatawan ng USAID, at mga high-ranking official mula sa Indonesia, Pakistan, Papua New Guinea, at Cambodia.

Samantala, susundan ang meeting ng paglilibot sa ilang piling health facility at ospital sa bansa.

About The Author