Dalawang daan at pitumpu’t siyam na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH), dahilan para sumampa na sa 4,070,287 ang Nationwide Caseload.
Ito ang ikalawang sunod na araw na mas mababa sa 400 ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19.
Sa pinakabagong datos mula sa DOH, bumaba sa 12,143 ang active cases kahapon mula sa 12,473 noong sabado.
Umakyat naman sa 3,992,554 ang Total Recoveries habang nadagdagan ng labing-lima ang bilang ng mga nasawi kaya pumalo na sa 65,590 ang death toll.
Ayon sa DOH, nanguna pa rin sa mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang Metro Manila na nakapagtala ng 1,761, sumunod ang Calabarzon, 895; at Central Luzon, 458.
Nasa 19.6% naman ang Bed Occupancy Rate sa bansa, kung saan 5,291 ang okupado habang 21,654 ang bakante.