Kabuuang 1,206 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa simula Enero 23 hanggang Enero 29 ayon sa pinakabagong datos na inilabas ng Department of Health (DOH) mas mababa ito ng 36% kumpara sa 1,891 cases na naiulat noong Enero 16 hanggang Enero 22.
Ayon sa DOH, bumaba rin sa 172 mula sa 270 ang daily case average noong nakaraang linggo. Gayunman, karagdagang 74 verified covid-19 related deaths ang naitala rin ng ahensya.
Samantala, 73.8 milyong Pilipino o 94.54% ng target population ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Sa naturang bilang, 14,419 ang naka-kumpleto ng kanilang primary series simula Enero 23 hanggang Enero 29.
Umakyat din sa 21.3 milyong Pilipino ang boosted individuals, kabilang ang 50,474 na naturukan ng booster sa kaparehong panahon.
Mayroon namang 456 severe and critical cases na naka-admit sa mga ospital bunsod ng COVID-19, na katumbas ng 9.5% ng kabuuang COVID-19 admissions.