dzme1530.ph

DOF, inaming bumagal na ang pagbabayad ng buwis ng taumbayan dahil sa malawakang korapsyon

Loading

Kinumpirma ni Finance Secretary Ralph Recto na apektado na ng lumilitaw na katiwalian sa mga flood control projects ang pagbabayad ng buwis ng taumbayan.

Sa pagtalakay sa panukalang budget ng Department of Finance (DOF), sinabi ni Recto na nararamdaman na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbagal sa pagbabayad ng buwis, bagama’t sa ngayon ay manageable pa.

Sinabi ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na marami sa mga tao ang mag-iisip muna ng matagal bago magbayad ng buwis.

Sinisi rin ng DOF sa katiwalian ang mababang kita ng bansa sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Recto, kung hindi napunta sa korapsyon ang bahagi ng budget sa maanomalyang flood control projects, lumago na sana ng 6 hanggang 6.2 percent ang ekonomiya ng bansa at mas malaki sana ang koleksyon ng kita ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.

Bukod sa flood control projects anomalies, apektado rin ang kita ng bansa kapag hindi naabot ang GDP growth target, gayundin dahil sa mga global challenges na kinakaharap ng maraming nasyon tulad ng global economic slowdown.

About The Author