![]()
Kinumpirma ng Department of Energy na umabot na sa 500 reklamo ang kanilang tinanggap kaugnay sa hindi makatuwirang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na nitong weekend, 80 ang natanggap nilang reklamo at mula doon, may 55 pinadalhan ng show cause order o pinagpapaliwanag kung bakit nagtaas ng presyo.
Ayon kay Garin, mas mabilis sana silang makakakilos laban sa mga abusado sa gitna ng krisis kung may sapat silang kapangyarihan.
Kaugnay nito ay nagpasaklolo na ang DOE sa DILG at Philippine National Police upang masawata ang mga abusado.
Kailangan anya ng DOE ng tulong dahil 1,000 lang ang tauhan nila na pinapaikot samantalang 14,000 ang gas stations sa buong bansa.
