dzme1530.ph

DOE, TINIYAK NA MAY SAPAT NA IMBENTARYO ANG BANSA NG PRODUKTONG PETROLYO

Loading

Tiniyak ng Department of Energy sa publiko na may sapat na imbentaryo ng produktong petrolyo ang bansa kaya’t hindi pa dapat magdeklara ng krisis sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

 

Sa press briefing, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na tatagal pa ng 45 araw ang in-country supply ng bansa.

 

Kinabibilangan ito ng 53.14 days para sa gasolina; 45.82 days sa diesel; 97.93 days sa kerosene; 38.62 days sa jet fuel; 61.49 days sa fuel oil at 23.51 days sa LPG.

 

Idinagdag pa ni Garin na kung magtitipid ng konsumo ang publiko at hindi magho-hoard ay posibleng mapalawig pa ng dagdag na isang linggo ang suplay.

About The Author